
Isa akong ibon na nais maging malaya. Nilikha ako para maglakbay sa kawalan at alamin ang katotohanan sa likod ng mga pagsubok sa buhay. Ako’y patungo sa ibat- ibang dako ng mundo kung saan ang lahat ay malalim at hindi matarok ng payak na kaisipan. Ako ay ako... isang obra ng diyos na hindi dapat padaig sa sigaw ng emosyon... upang maging malakas at dakila
Nais kong makarating at hindi na kailanman bumalik sa isang lugar na akin ng naparoonan. Walang lugar ang luha, at aking mga pagtangis sa aking pakikibaka. Ako’y isinilang para sa isang dakilang misyon na tanging diyos lang ang nakakaunawa.
Ibon nga ba akong malaya?...



